10 pang sakay ng barko na nakadaong sa Japan nagpositibo sa nCoV

By Dona Dominguez-Cargullo February 06, 2020 - 09:46 AM

 

Sampu pang sakay ng cruise ship na nakadaong sa Yokohama sa Japan ang nagpositibo sa novel coronavirus.

Ayon sa health ministry office ng Japan, ang sampung panibagong nagpositibo sa 2019-nCoV ay ibababa sa Diamond Princess at dadalhin sa ospital sa Kaganawa Prefecture.

Kahapon ay iniulat na 10 na ang nagpositibo sa virus at hinihintay ang resulta sa nasa 100 iba pa.

Dahil sa 20 sakay ng naturang barko na positibo sa virus ay umakyat na sa 45 ang kumpirmadong kaso ng nCoV sa Japan.

Mananatiling naka-quarantine sa loob ng barko ang iba pang mga pasahero at crew nito.

 

TAGS: 2019 ncov, cruise ship, department of health, diamond princess, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019 ncov, cruise ship, department of health, diamond princess, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.