Ilang bahagi ng Mindanao nakararanas na rin ng malakas na pag-ulan dahil sa LPA

Inuulan na rin ang ilang lalawigan sa Mindanao dahil sa trough ng Low Pressure Area (LPA).

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 9:10 ng umaga ngayong Huwebes (Feb. 6), orange warning level ang nakataas sa Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Sur, at Agusan del Norte.

Yellow warning naman ang nakataas sa Dinagat Islands.

Inabisuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga susunod na abiso ng weather bureau.

Read more...