2 solar panels ng Phivolcs na ginagamit sa pagmonitor sa Bulkang Mayon, ninakaw
Ninakaw ang dalawang solar panels ng Phivolcs sa kanilang Mayon Resthouse station.
Ayon sa Phivolcs, sa Mayon Resthouse station matatagpuan ang mga instrumento nila para mamonitor ang aktibidad ng Bulkang Mayon.
Nadiskubre ang pagkawala ng dalawang solar panels nang magsagawa ng routine inspection ang kanilang Mayon Volcano Observatory personnel.
Dahil sa pagkawala ng solar panels, nawalan din ng suplay ng kuryente sa Mayon Resthouse station.
Naapektuhan tuloy ang pag-transmit ng data sa aktibidad ng bulkan.
Babala ng Phivolcs, sa ilalim ng RA 10344 o Risk Reduction and Preparedness Equipment Protection Act of 2012, ang pagnanakaw sa pasilidad o kagamitan ay may katapat na parusa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.