Red rainfall warning nakataas na sa ilang lalawigan sa Visayas dahil sa patuloy na pag-ulan
Nakararanas pa rin ng tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan ang ilang lalawigan sa Visayas dahil sa Low Pressure Area (LPA).
Sa inilbas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 8:06 ng umaga red warning level na ang umiiral sa Cebu, Bohol, Negros Oriental, Leyte, Southern Leyte at Biliran.
Ayon sa PAGASA matinding pagbaha ang maaring maranasan sa mabababang lugar.
Ang mga residente naman sa bulubunduking lugar ay pinag-iingat sa posibleng pagguho ng lupa.
Orange warning level naman ang nakataas sa Siquijor.
Inabisuhan na ng PAGASA ang mga local disaster risk reduction and management council sa mga apektadong lugar na gawin na ang karampatang aksyon bunsod ng nararanasang pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.