Orange rainfall warning nakataas sa ilang lalawigan sa Visayas
Nakataas na na ang orange rainfall warning sa mas marami pang lugar sa Visayas dahil sa nararanasang malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng trough ng Low Pressure Area (LPA).
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, alas 7:24 ng umaga, orange warning na ang nakataas sa Cebu, Bohol, Negros Oriental, Leyte, Biliran, Southern Leyte at Negros Occidental.
Yellow warning naman ang nakataas sa Siquijor.
Babala ng PAGASA, maaring magkaroon ng pagbaha sa mabababang lugar at maaring magkaroon ng landslide sa bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.