Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag
Nabawasan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes (Feb. 6) 202.18 meters ang water level ng Angat dam mas mababa kumpara sa 202.41 meters na water level nito kahapon ng umaga.
Ang Ipo dam ay nabawasan din ang antas ng tubig na nasa 100.15 meters.
Habang walang pagbabago sa water level ng La Mesa dam na nasa 77.76 meters.
Ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya dams ay pawang nabawasan.
Habang nadagdagan naman ng bahagya ang antas ng tubig sa Binga dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.