538 na Pinoy kabilang sa mga nakasailalim sa quarantine sa cruise ship sa Japan
Mayroong 538 na Pinoy na sakay ng cruise ship na nakasailalim sa quarantine sa Yokohama, Japan.
Tiniyak ng Embahada ng Pilpinas sa Japan na binabantayan nito ang sitwasyon partikualr ang kalagayan ng mga Pinoy na sakay ng Diamond Princess.
Hindi naman tinukoy ng embahada kung ang 538 na Pinoy na sakay ng cruise ship ay pawang mga crew lahat ng barko o mayroon ding pasahero.
Labingapat na araw tatagal ang quarantine sa 3,700 na sakay ng barko makaraang may mga pasahero nito ang nagpositobo sa novel coronavirus, kabilang ang isang Pinoy na crew.
Sa pahayag ng embahada, mayroon silang komunikasyon sa mga Pinoy na nasa loob ng barko.
Nakikipag-ugnayan din ang embahada ng Pilipinas sa mga otoridad sa Japan para masigurong naibibigay ang pangangailanga ng mga Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.