2 arestado sa buy-bust sa Maynila

Arestado ang isang babae at isang lalaki sa ikinasang operasyon kontral ilegal na droga ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD).

Target ng operasyon sa Malate, Maynila ang suspek na si alyas Jerry, 48 anyos.

Si Jerry ay nasa drugs watchlist ng Malate Police station.

Nagawa ng police poseur buyer na makabili ng P200 halaga ng ilegal na droga sa suspek kaya agad itong dinakip.

Kasama ring inaresto ang kasamang babae ni Jerry na si alyas Katherine, 34 anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na sachet pa ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P13,600 ang halaga.

 

Read more...