Tatlo arestado sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Caloocan at Malabon

By Dona Dominguez-Cargullo February 06, 2020 - 06:01 AM

Arestado ang tatlong suspek sa ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa Caloocan at Malabon.

Unang isinagawa ang operasyon sa Libis Espina Street sa Barangay 13 sa Caloocan.

Ayon sa Northern Police District drug enforcement unit, inaresto ang isang alyas ‘Annie’ na nasa drugs watchlist ng pulisya.

Nagawa ng pulis na nagpanggap na buyer na makabili ng P1,000 halaga ng shabu kay Annie kaya agad itong dinakip.

Aabot sa 26 na gramo ng shabu ang nakumpiska sa suspek na tinatayang P176,000 ang halaga.

Samantala, sa Barangay Concepcion sa Malabon naman, dalawang lalaki ang nadakip sa operasyon ng Malabon Police.

Nakuha sa dalawang suspek ang mahigit P9,000 na hinihinalang shabu.

TAGS: caloocan, Inquirer News, Malabon, metro news, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, caloocan, Inquirer News, Malabon, metro news, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.