60 patay, 110 sugatan sa pambobomba sa Damascus, Syria

By Kathleen Betina Aenlle February 01, 2016 - 01:32 AM

 

Umabot na sa 60 katao ang patay habang nasa 110 naman ang sugatan sa tatlong magkakahiwalay ngunit magkaka-ugnay at magkakasunod na pagsabog sa Damascus, Syria.

Naganap ang mga pambo-bomba malapit sa isang bantog na Shi’ite shrine sa timog ng Damascus, araw ng Linggo. Una nang ini-ulat ng state news agency na SANA, na may 30 katao ang napatay sa tatlong pagsabog sa may Sayyida Zainab shrine, isa rito ay sanhi ng isang car bomb, na sinundan ng dalawang suicide bombers.

Kilala ang Sayyida Zeinab mosque dahil dito nakalagak ang mga labi ng apo ng Propetang si Muhammad, at itinuturing na isang pilgrimafe site ng mga Shi’ite Muslims.

Halos isang taon na ang nakalilipas, tinarget na rin ito ng pambo-bomba kung saan apat ang naitalang patay at 13 ang sugatan dahil sa dalawang suicide bombers na sumabog sa isang checkpoint malapit sa shrine.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.