P900M pondo ipangbabayad ng pamahalaan sa mga baboy na naapektuhan ng ASF

Pinalakas na ng Department of Agriculture (DA) ang quarantine measure sa Davao Occidental para maagapan ang paglaganap ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, inilahad na ni Agriculture secretary William Dar kay Pangulong Rodrigo Duterte sa cabinet meting kagabi ang mga hakbang na ginagawa ng kanyang kagawaran para matugunan ang naturang problema.

Naglaan na aniya ang pamahalaan ng siyam na raang milyong piso para ipangbayad sa mga naapektuhang magbababoy.

Naka-lock down na aniya ang Davao Occidental at pinatay na ang mga baboy na tinamaan ng ASF.

May mga nakalatag na rin aniyang quarantine measures sa rehiyon.

“Secretary of Agriculture William Dar said that the African Swine Fever virus has reached Davao Occidental. Per Secretary Dar, the province is on lock down and the pigs are being culled out with the government paying for the hogs as it has paid P900 million already. Elevated quarantine measures are being worked out by the Department of Agriculture and is advising regions to elevate quarantine measures,” ayon kay Panelo.

Matatandaang isang libong baboy ang namatay sa Davao Occidental dahil sa ASF.

Read more...