Pabahay para sa mga sundalo at pulis sa Batangas, Laguna, Cavite at Quezon ibibigay na muna sa mga nabiktima ng Bulkang Taal

By Chona Yu February 05, 2020 - 03:06 PM

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na ibigay na muna sa mga nabiktima ng pagputok ng Bulkang Taal ang 5,400 na pabahay na para sana sa mga personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Batangas, Laguna, Cavite at Quezon.

“The National Housing Authority has previously allotted a total of 5,448 housing units in favor of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police which are spread out in Batangas, Laguna, Cavite and Quezon,” ayon kay Panelo.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sinang-ayunan ng pangulo ang hiling ng Department of Human Settlement and Urban Development sa cabinet meeting kagabi.

“The President approved the request of the Department of Human Settlements and Urban Development to offer these housing units as a grant to the displaced families instead and commended such act of generosity,” ayon kay Panelo.

Sa presentasyon ni Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo del Rosario, sinabi nitong mas makabubuting unahin muna ang mga pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa pagputok ng Bulkang Taal bagay na sinang ayunan ng pangulo.

Tinatayang nasa anim hanggang pitong libong pamilya na naninirahan sa 7 kilometer radius ang nawalan ng tahanan.

“Furthermore, Secretary Del Rosario discussed the proposed permanent shelter sites for internally displaced families affected by the eruption of Taal Volcano. According to him, 5,000-6,000 households stand to be affected by the evacuation from a radius of 7 kilometers from the volcano, with the island of Taal itself housing 2,000 families,” ayon pa kay Panelo.

Una nang nangako ang pangulo sa mga nabiktima ng Bulkang Taal na aayudahan sila ng pamahalaan at bibigyan ng pabahay.

TAGS: AFP, Batangas, Bulkang Taal, cavite, laguna, Pabahay, PNP, Quezon, Taal Volcano, AFP, Batangas, Bulkang Taal, cavite, laguna, Pabahay, PNP, Quezon, Taal Volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.