Panukalang divorce pasado na sa komite sa Kamara

Lusot na sa House Committee on Family Relations ang panukala para sa pagkakaroon ng absolute divorce at dissolution of marriage sa bansa.

Inaprubahan ang panukala matapos gamitin ng mga kongresista ang Rule 48 ng Mababang Kapulungan.

Sa ilalim ng Rule 48 isang pagdinig na lamang sa komite ang kailangan kapag ang isang panukalang batas ay pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa noong nakalipas na kongreso.

Kaugnay nito, bumuo ng isang technical working group ang komite upang i-consolidate ang tatlong panukala ukol dito.

Target ng TWG na makapag-sumite ng committee report hinggil dito bago matapos ang buwan ng Pebrero.

Read more...