Pasinaya 2020 kinansela ng CCP dahil sa nCoV scare
Kinansela na ng Cultural Center of the Philippines ang pagdaraos ng Pasinaya 2020.
Ito ay matapos na ideklara ng World Health Organization (WHO) na isa nang public health emergency of international concern ang 2019-nCoV.
Sa pahayag sinabi ng CCP na pangunahing concern nila ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.
Ang Pasinaya 2020 ay gaganapin dapat sa February 7 hanggang 9.
15 taon nang idinadaos ang Pasinaya Festival na dinadaluhan ng libu-libong katao.
Noong nakaraang taon ay umabot sa 16,000 ang dumalo sa multi-arts festival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.