1 taong gulang na batang Chinese naka-isolate sa ospital sa Palawan

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2020 - 01:35 PM

Isinailalim sa isolation sa isang ospital sa Palawan ang isang taong gulang na batang lalaking Chinese.

Ito ay makaraang makitaan ng sintomas ng novel coronavirus ang bata,

Ayon kay Dr. Mario S. Baquilod, director ng Department of Health (DOH) sa MIMAROPA, galing sa Dalian City sa China ang bata at kaniyang pamilya.

Sa simula ay tumanggi aniya ang pamilya na magpasailalim sa pagsusuri para sa nCoV.

Pero umaga ng Miyerkules (Feb. 5) nakumbinsi rin ang magulang ng bata na magsumite ng specimen para maipasuri sa Research Institute for Tropical Medocine (RITM).

Nasa El Nido ang pamilya noong nakaraang weekend para magbakasyon at dinala nila sa ospital ang bata dahil sa lagnat at rashes.

TAGS: 1 year old boy, 2019 ncov, department of health, Health, Inquirer News, isolated, News in the Philippines, novel coronavirus, Palawan, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 1 year old boy, 2019 ncov, department of health, Health, Inquirer News, isolated, News in the Philippines, novel coronavirus, Palawan, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.