State of Union ginamit ni Trump para makapangampaya; Nancy Pelosi pinunit ang speech ni Trump
Nagsagawa na ng kaniyang State of the Union Address si U.S. President Donald Trump.
Sa kaniyang speech, ipinagmalaki ni Trump ang mga tagumpay sa loob ng nakalipas na tatlong taon.
“America’s enemies are on the run, America’s fortunes are on the rise and America’s future is blazing bright,” ayon kay Trump.
Sa kaniyang 48 minutong speech hindi naman nabanggit ni Trump ang tungkol sa impeachment trial laban sa kaniya.
Sinamantala din ni Trump ang talumpati para makapangampanya.
Viral naman ang video ni House Speaker Nancy Pelosi na pagkatapos na pagkatapos ng speech ni Trump ay tumayo at isa-isang pinunit ang mga pahina ng kopya ng talumpati ni Trump.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.