P720K na halaga ng marijuana nakumpiska sa isang suspek sa Caloocan

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Caloocan City.

Nadakip ang suspek na si Luke Kim Castro, 29 anyos sa ikinasang operasyon sa parking lot ng isang supermarket sa Mc Arthur Highway.

Nakumpiska sa kaniya ang isang malaking brick ng marijuana na nakabalot ng plastic, limang rolyo ng transparent palstics na mayroon ding marijuana at ang P1,000 na boodle money.

Tinatayang 6 na kilo ang nakugang marijuana sa suspek na aabot sa P720,000 pesos.

Read more...