Mga lokal na opisyal sa Nueva Ecija na tutol na gawing quarantine site ang Fort Magsaysay kakasuhan ni Pangulong Duterte

By Chona Yu February 05, 2020 - 12:07 PM

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na opisyal sa Nueva Ecija na tutol na gawing quarantine site para sa mga pinaghihinalaang may sakit na novel coronavirus ang Fort Magsaysay.

Ayon sa pangulo, sasampahan niya ng kaukulang kaso ang sinumang tutol at hindi aayon sa mga hakbang ng gobyerno para matugunan ang problema.

Ginawa ng pangulo ang babala sa cabinet meeting sa Malakanyang, Martes (Feb. 4) ng gabi.

Una nang sinabi ng pangulo na tutol ang lokal na pamahalaan sa Nueva Ecija na gawing quarantine site ang isang pasilidad sa Fort Magsaysay.

Darating na sa bansa ang 42 na Filipino mula China at agad na ididiretso sa Fort Magsaysay para sa labingapat na araw na na quarantine period.

Matatandaang nagsimula ang coronavirus sa Wuhan City sa China.

TAGS: 2019 ncov, department of health, fort magsaysay, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, nueva ecija, PH news, Philippine breaking news, president duterte, quarantine facility, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019 ncov, department of health, fort magsaysay, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, nueva ecija, PH news, Philippine breaking news, president duterte, quarantine facility, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.