Ayon kay Biazon, sinabi ni Duque sa pagdinig ng Senado na hindi siya dapat asahan sa trabaho ng mga nasa baba.
Ipinapakita lamang aniya sa mga sinasabi at aksyon ng Kalihim kung ano talaga ang ipinaprayoridad nito.
Dapat aniya ay dumalo sa hearing si Duque dahil posibleng may mga katanungan ang mga mambabatas na hindi naman masasagot ng kanyang mga kinatawan.
Hindi aniya rin ito makakatulong sa pagpapataas ng kumpyansa ng publiko.
Sabi ni Biazon, narinig niya sa radyo na papunta ngayon sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija si Duque para inspeksyunin ang containment facility para sa mga posibleng carrier ng virus.
Hindi aniya dapat na maging inspektor na lamang ang kalihim.
Sa briefing, mga kinatawan mula sa DOH at mga kinatawan din mula sa mga LGUs ang humarap sa pagdinig.
Dahil dito, Hiniling ng kongresista na iparating kay Sec. Duque ang mensahe ng Kamara na ayusin nito ang kanyang mga priorities.