Hindi pagdalo ni Sec. Duque sa pagdinig ng Kamara sinita

By Erwin Aguilon February 05, 2020 - 11:55 AM

Hindi nagustuhan ni Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino Biazon ang pag-isnab ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development kaugnay sa paghahanda ng ahensya at ng mga LGUs sa 2019-novel corona virus – acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ayon kay Biazon, sinabi ni Duque sa pagdinig ng Senado na hindi siya dapat asahan sa trabaho ng mga nasa baba.

Ipinapakita lamang aniya sa mga sinasabi at aksyon ng Kalihim kung ano talaga ang ipinaprayoridad nito.

Dapat aniya ay dumalo sa hearing si Duque dahil posibleng may mga katanungan ang mga mambabatas na hindi naman masasagot ng kanyang mga kinatawan.

Hindi aniya rin ito makakatulong sa pagpapataas ng kumpyansa ng publiko.

Sabi ni Biazon, narinig niya sa radyo na papunta ngayon sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija si Duque para inspeksyunin ang containment facility para sa mga posibleng carrier ng virus.

Hindi aniya dapat na maging inspektor na lamang ang kalihim.

Sa briefing, mga kinatawan mula sa DOH at mga kinatawan din mula sa mga LGUs ang humarap sa pagdinig.

Dahil dito, Hiniling ng kongresista na iparating kay Sec. Duque ang mensahe ng Kamara na ayusin nito ang kanyang mga priorities.

TAGS: 2019 ncov, department of health, duque, Health, house hearing, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019 ncov, department of health, duque, Health, house hearing, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.