DILG naglabas ng guidelines na susundin ng mga barangay sakaling magkaroon ng hinihinalang kaso ng nCoV sa kanilang lugar
Nagpalabas ng guidelines ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa mga barangay sakaling magkaroon ng kaso ng novel coronavirus sa kanilang nasasakupan.
Sa abiso ng DILG, inilatag ang mga dapat na gawin ng mga ospisyal ng barangay kung mayroong hinihinalang kaso ng nCoV sa kanilang lugar.
Una sinabi ng DILG na dapat agad suotan ng mask ang hinihinalang carrier bago dalhin sa ospital.
Makpag-ugnayan sa lokal na pamahalaan kung kailangan ng tulong para madala ang suspected carrier sa ospital.
Isailalim sa home quarantine ang pamilya ng suspected carrier sa loob ng 14 na araw.
Kung walang nakitang sintomas sa isang suspected carrier ay i-report pa rin sa City o Municipal Health Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.