Police doctors na bihasa sa pagresponde sa chemical at biological threats handa na kontra nCoV
Handa na ayon sa Philippine National Police ang kanilang mga police doctor na bihasa sa pagresponde sa mga insidente ng chemical at biological threats.
Iprinisinta ni PNP chief, P/Gen. Archie Gamboa ang team ng CBRNE-trained medical personnel o Chemical, Biological, Radiological, Nuclear and high-yield Explosives.
Kasama ding ipinakita ang mga gamit para sa pagtugon sakaling magkaroon ng outbreak ng novel coronavirus sa bansa.
Ayon kay Gamboa ang mga sinanay na police doctors ay maaring umasiste sa pagsalubong mga Filipino na ililikas mula sa China.
Mayroong 105 na CBRNE-trained personnel ang PNP mula sa Special Action Force (SAF), Special Armed Forces, Health Service, Crime Laboratory at Explosive Ordnance Disposal-K9 unit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.