Cremation sa isang Chinese National na nasawi dahil sa nCoV maisasagawa na ngayong araw – DOH

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2020 - 09:56 AM

Maisasagawa na ang cremation sa isang Chinese national na pumanaw sa Pilipinas noong February 1 dahil sa novel coronavirus.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, isang funeral parlor sa Araneta Avenue sa Quezon City ang pumayag na mai-cremate sa kanila ang 44 anyos na Chinese.

Nakausap na rin aniya ng DOH ang pamilya ng dayuhan na kinuhanan ng consent para mai-cremate ang katawan.

Sinabi ni Duque na pumayag ang pamilya na gawin na ang cremation.

Una nang sinabi ni Duque na isang Chinese community ang unang nangako na sila na ang bahala sa cremation ng dayuhang nasawi sa nCoV pero nag-back out ito last minute.

TAGS: 2019 ncov, cremation, department of health, doh, Health, Inquirer News, ncov fatality, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019 ncov, cremation, department of health, doh, Health, Inquirer News, ncov fatality, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.