P10M halaga ng shabu nakumpiska sa 4 na suspek sa Malabon

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2020 - 09:10 AM

Arestado ang apat na suspek sa kalakaran ng ilegal na droga matapos magkasa ng buy-bust operation ang mga otoridad sa Malabon.

Ayon kay Police Col. Jessie Tamayo, hepe ng Malabon Police, kinilala ang mga suspek na naaresto na sina alyas Remel at tatlo pa niyang kasamahan.

Ikinasa ang operasyon sa C-4 Road, Miyerkueles (Feb. 5) ng madaling araw.

Isang pulis ang nagpanggab na bibili ng P20,000 halaga ng ilegal na droga kaiy Remel.

Nakuha pa sa mga suspek ang tinatayang isa at kalahating kilo ng shabu na pawang nakatago sa Chinese tea bag.

Umamin naman si Remel na siya ay sangkot sa pagbebenta ngn ilegal na droga.

Dati na rin siyang nakulong pero wala itong kadala0-dala at bumalik pa rin sa ilegal na gawain.

TAGS: buy bust, Inquirer News, Malabon, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, buy bust, Inquirer News, Malabon, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.