Pilipinas, pangalawa sa dami ng mga media killings sa mundo
Pangalawa ang Pilipinas sa pinakadelikadong bansa para sa mga mamamahayag.
Ayon sa International Federation of Journalists o IFJ, pumapangalawa ang Pilipinas na may 146 kaso ng pagpatay sa mga miyembro ng media sa Iraq na nakapagtala ng 306 media deaths sa nakalipas na 25 taon.
Ikatlo naman ang Mexico na may 120 media killing na nakarekord.
Sa Iraq, maraming mamamahayag ang namatay noong panahon ng Gulf war samantalang may kinalaman sa ‘drug wars’ ang mga kaso ng pagpatay sa Mexico.
Sa loob ng 25 taon, may 2,297 nang journalists at media staff ang napatay habang ginaganap ang kanilang tungkulin.
Ayon kay Anthony Bellanger, IFJ Secretary General, ang malungkot ay nananatili ang ‘impunity’ sa hanay ng mga kriminal na may gawa ng mga pagpatay at isa lamang sa bawat sampung insidente ng media killing ang naiimbestigahan.
Batay pa sa IFJ, tumataas na rin ang mga insidente ng kidnapping sa mga journlists kung saan ang mga hostage ay basta na lamang pinapatay ng mga hostage-takers nang hindi humihingi n ransom.
Nakabatay ang 79-pahinang report ng IFJ sa ulat mula sa 140 mga bansa.
Simula 1990, nagpapalabas na ng ulat ang IFJ ukol sa mga media killings at pagkamatay ng mga journalista sa mga insidente ng bomb attack at giyera ang IFJ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.