Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang unang batch ng mga Pinoy ay darating sa Sabado sa Clark Airport.
Mula doon ay dadalhin sila sa Fort Magsaysay sa Laur, Nueva Ecija para doon isailalim sa quarantine.
Gagamiting quarantine area para sa mga uuwing Pinoy galing China ang bagong Drug Abuse Rreatment and Rehabilitation Center sa bayan ng Laur.
Ayon kaky Panelo, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na ihanda ang naturang pasilidad.
Kayang maka-accommodate ng 10,000 katao sa naturang lugar.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang Fort Magsaysay Drug Rehab Center at ang Caballo Island sa Cavite ang pinagpipilian para magamit na quarantine site.
Lahat ng uuwing Pinoy galing sa apektadong mga lugar sa China at isasailalim sa 14 na araw na mandatory quarantine.