30 sa mga itinuturing na PUIs sa nCoV nag-negatibo sa pagsusuri
By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2020 - 04:45 AM
Negatibo ang naging resulta ng pagsusuri sa 30 katao na itinuring na patients under investigation o PUIs dahil sa 2019-novel coronavirus.
Ayon sa update mula sa Deparrmet of Health (DOH), mayroon pang 48 pasyente na hinihintay ang magiging resulta ng pagsusuri.
Sa kabuuan ayon sa DOH, umabot na sa 105 ang mga pasyenteng kanilang binantayan dahil sa nCoV.
Mayroon pang 90 na naka-admit sa ospital.
Habang nananatiling dalawa ang kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa, kung saan isa dito ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.