Davao Occidental isinailalim sa state of calamity dahil sa ASF outbreak
Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Davao Occidental dahil sa outbreak ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Governor Claude Bautista, inatasan na ang mga opisyal ng Barangay na kulektahin ang lahat ng alagang baboy sa kanilang nasasakupan sa bayan ng San Marcelino na pinagmulan ng outbreak.
Sa 13,000 baboy sa San Marcelino, 7,000 na ang nakatay habang nakatakda pa ang pagkatay sa 6,000 pang natitira.
Ang mga may-ari ng baboy ay babayaran ng P5,000 kada alagang baboy na kakatayin.
Hiniling din ni Bautista sa mga residente na makipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan at kusa nang isuko ang kanilang mga alagang baboy.
Naapektuhan na rin ng ASF outbreak ang kalapit na bayan na Malita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.