China, kinundina ang paglapit ng US warship sa isa nilang isla

 

Inquirer.net/AP

Mariing kinundina ng China ang paglayag ng isang US warship sa kanilang islang kontrolado sa South China Sea.

Ang reaksyon ng China ay bilang tugon sa paglapit ng USS Curtis Wilbur ng 12 nautical miles o 22 kilometro sa Triton Island sa Paracel chain kamakailan.

Ang China, Taiwan at Vietnam ay may overlapping claim sa Paracels.

Ayon kay Defense spokesman Yang Yujun, labis na nilabag at sinabotahe ng Amerika ang seguridad at maayos na sitwasyon sa naturang lugar dahil sa pagpasok nito sa kanilang teritoryo.

Dagdag pa ni Yang, naging ‘unprofessional’ ang Amerika at inilagay nito sa alanganin ang kaligtasan ng mga sundalong lulan ng barko.

Nangako rin ang China na gagawin ang lahat upang protektahan ang kanilang sobereniya sa gitna ng ginagawang mistulang pang-aasar ng Amerika.

Giit naman ng Amerika, walang basehan ang claim ng China dahil bahagi ng international waters ang naturang lugar.

Nangako rin ito na magiging regular na ang kanilang paglalayag sa area sa mga susunod na panahon.

Read more...