Operasyon ng Pasig River Ferry bukas half day lang

Half day lang ang magiging operasyon ng Pasig River Ferry bukas, Miyerkules (Feb. 5).

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na hanggang alas 12:00 ng tanghali lamang ang biyahe ng Pasig River Ferry bukas.

Ito ay para bigyang daan ang isasagawang dry run para sa Pasig River Cruise project ng Department of Tourism at MMDA.

Sa Huwebes, Feb. 6 balik naman sa normal ang oras ng biyahe ng River Ferry.

Read more...