Nakatakdang isumite ngayong linggo ng Department of Justice (DOJ) sa Malakanyang ang resulta ng pag-aaral nito sa implikasyon ng posibleng pagbasura sa visiting forces agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at US.
Una nang inatasan ng Palasyo ang DOJ na magsagawa ng preliminary impact assessment kapag ipinawalang-bisa ang VFA.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipapaubaya nila kay Pangulong Duterte ang isusumite nilang impact assessment ngayong linggo.
Kasama sa pinag-aralan ng DOJ ang legal procedure sa pagbasura sa kasunduan at ang epekto nito sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
MOST READ
LATEST STORIES