Travel ban sa mga bansang may coronavirus hindi palalawakin ni Pangulong Duterte
Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na palawakin pa ang pinaiiral na travel ban sa China, Hongkong at Macau dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV).
Ayon sa pangulo, nakaangkla ang Pilipinas sa rekomendasyon ng World Health Orgazanition (WHO).
Sa ngayon aniya, wala pa namang rekomendasyon ang WHO na isama na sa travel ban ang ibang bansa na mayroon nang kumpirmadong coronavirus.
Kabilang sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng coronavirus ang Amerika, Canada, Nepal, at iba pa.
Ayon sa pangulo, ang WHO ang may sapat na kaalaman kung ano ang mga dapat na gawin sa coronavirus kung kaya susunod ang Pilipinas sa mga itinatakdang regulasyon nito.
“They have all the computers. They have all the inputs and they would know what to do. We go by the regulations that will be given out by the WHO,” ayon sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.