Biyahe ng LRT-2 sa Santolan, Katipunan at Anonas maaring sa buwan ng Mayo maibalik

Posibleng magkaroon na ng provisional operations ang Light Rail Transit – 2 sa Santolan, Katipunan at Anonas Stations niton sa buwan ng Mayo.

Ang tatlong istasyon ng LRT-2 ay hindi nagagamit simula pa noong Oktubre makaraang sumiklab ang sunog sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations.

Pero ayon kay LRTA spokesperson Hernando Cabrera, kung magkakaroon na ng operasyon sa tatlong apektadong istasyon sa Mayo ay mas maaga ito kumpara sa siyam na buwan naunang tinarget ng LRTA.

Sinabi ni Cabrera na napabilis ang proseso ng pagbili ng mga materyales na kailangan para sa nasunog na pasilidad.

Sa ngayon, sinabi ni Cabrera na tinitignan nila ang posibilidad na maibalik ang operasyon sa Santolan, Katipunan at Anonas sa Mayo o sa katapusan ng Hunyo.

Sa kasalukuyan ay nananatiling Cubao to Recto at pabalik ang operasyon ng LRT-2.

Read more...