Pulis-NAIA, arestado sa pagpuslit ng ‘tarsier’ palabas ng bansa

By Jay Dones January 31, 2016 - 05:22 PM

 

Inquirer file photo

Matapos ang kontrobersiya ng tanim-bala sa NAIA na kinasangkutan ng ilang pulis na nakatalaga sa naturang paliparan, nasangkot naman sa ‘wildlife smuggling’ ang isa sa mga ito.

47 mga ‘rare’ o indigenous na mga ibon at iba pang uri ng hayop tulad ng tarsier ang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport makaraang tangkain itong ipuslit ng isang pulis na nakatalaga sa mismong paliparan.

Ayon kay Theresa Mundita –Lim, hepe ng biodiversity bureau na nakabase sa NAIA, tinangkang ipuslit patungong Japan ng suspek ang 11 tarsier, 11 ahas, 11 monitor lizards, 8 sailfin lizards, eagle owl at scop owls ngunit naharang ito sa paliparan.

Namataan ang naturang mga hayop sa isang kahon na gawa sa styrofoam at idineklara bilang mga ‘aquatic plants’.

Ayon kay Lim, ilang araw nilang binabantayan ang kilos ng hindi pinangalang pulis-NAIA dahil sa hinalang sangkot ito sa smuggling ng mga hayop palabas ng bansa.

Nang makorner, agad itong inaresto at kakasuhan ng paglabag sa wildlife laws na may karampatang apat na taong parusang pagkakakulong.

Ang tarsier ay itinuturing na smallest primate at naitala ng International Union for Conservation bilang ‘near-threatened’.

Ang mga sailfin lizards at owl naman ay itinuturing na ‘vulnerable species’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.