Ang pagbaba ng antas ng tubig sa Ipo dam ay sanhi ng paghina ng runoffs sa Ipo watershed.
Ayon sa Maynilad, hindi na umano umaabot ang sa maintaining level na 101 meters nitong mga nakalipas na araw sa kabila ng pananatili sa 42 cubic meters per second ang alokasyon ng raw water mula sa Angat Dam.
Ang water interruption ay mahigpit na ipapatupad sa mga susunod na araw hangga’t hindi tumataas ang water elevation sa Ipo Dam kaya hinihikayat ang lahat ng mga consumers na makiisa sa pagtitipid ng tubig.
Paalala naman ng Maynilad sa mga consumers na mag-ipon lamang ng sapat na tubig na gagamitin kada araw at pagbalik umano ng supply matapos ang water service interruption ay dapat panandaliang padaluyin ang tubig hanggang sa ito ay luminaw.
Humingi naman ng paumanhin ang Maynilad at nananawagan ng pakiisa at pag-unawa sa kanilang mga customers.
Narito ang listahan ng assigned rotational water service interruption :