Nakikiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na itigil na ang ‘xenophobia’ at pagkamuhi sa mga Chinese dahil sa paglaganap ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV ARD).
Ayon sa pangulo, naging mabait ang China sa Pilipinas at marapat lamang na suklian ito.
“Blaming Chinese is xenophobia. You hate anything that is Chinese, that is not good. China has been kind to us. We can also show the same favor to them,” ayon sa pangulo.
Dagdag ng pangulo, hindi dapat na sisihin ang Chinese dahil talagang may mga sumusulpot na bagong virus sa lipunan.
“Stop this xenophobia thing. They’re blaming the Chinese who came from China. It can always incubate in some other places,” ayon sa pangulo.
Binuweltahan din ng pangulo ang mga nagkalat na post sa facebook na kinamumuhian ang mga Chinese.
Ayon sa pangulo, bad taste na igiit na pabalikin ng china ang mga Chinese.
“Everyone’s saying, send the Chinese back home. It is not only a case of bad taste, but it is not good for us Filipinos to be saying that,”ayon pa sa pangulo.
Dapat din aniyang alalahanin ng publiko na daang libong Filipino ang nagtatrabaho sa China.
“Remember that there are now so many Filipinos in China, and they cannot go out because coming in and going out of China is prohibited,” dagdag ng pangulo.