outbrain

WATCH: Marcelito Pomoy binigyan ng standing ovation sa kaniyang performance sa semi-finals ng America’s Got Talent

By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2020 - 12:12 PM SHARE(S):

Napahanga ng Pinoy na si Marcelito Pomoy ang mga hurado sa America’s Got Talent – The Champions.

Inawit ni Pomoy ang kantang Time To Say Goodbye nina Andrea Bocelli at Sarah Brightman.

Standing ovation ang ibinigay ng audience at apat na hurado kay Pomoy.

Ayon kay Howie Mandel, na kay Pomoy ang “best shot” para maipanalo ang laban.

Napabilib si Howie sa boses babae ni Pomoy na aniya ay tila may babaeng nagtatago sa loob ng katawan.

Ayon naman kay Alesha Dixon, magaling ang pagkakapili ni Pomoy sa kanta.

Si Heidi Klum sinabing si Pomoy ang paborito niyang contestant sa lahat ng mga kalahok sa semi-finals.

Tinawag namang “unique”, “special” at “incredible” ni Simon Cowell ang talento ni Pomoy.

Ayon kay Cowell, tiyak na ang magandang career para kay Pomoy.

Labingdalawang acts ang magkakalaban sa semi-finals at anim lamang ang pipiliin na makapapasok sa grand finals.

TAGS: AGT, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Marcelito Pomoy, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, semi-finals, Tagalog breaking news, tagalog news website, AGT, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Marcelito Pomoy, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, semi-finals, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.