Barangay Emergency Response Teams pupulungin ni QC Mayor Joy Belmonte para paghandaan ang nCoV

By Jong Manlapaz February 04, 2020 - 11:53 AM

Nakatakdang makipagkita ngayon ni Mayor Joy Belmonte sa lahat ng Barangay Emergency Response Teams upang matiyak na nakahanda ang Quezon City sa paghawak ng kaso ng 2019 novel coronavirus.

Ang pagpupulong ay gagawin sa Basketball covered Court, Quezon Memorial Circle, mamayang 1:30 ng hapon ngayong araw.

Una nang sinabi ni Mayor Joy, na sasanayin rin niya ang mga barangay sa pagtungon kung sakaling may hinihinalang kaso ng nCoV sa kanilang nasasakupan.

Hinikayat naman niya ang mga taga lungsod na tumawag 122 kung sakaling sa pakiramdam nila na sila ay may sintomas ng nCoV lalo na kung galing sila sa mga bansa na may positibong kaso ng novel coronavirus.

TAGS: Breaking News in the Philippines, coronavirus, Health, Inquirer News, joy belmonte, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, Breaking News in the Philippines, coronavirus, Health, Inquirer News, joy belmonte, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.