Scout Ranger patay sa pananambang sa Sulu
Patay sa pananambang kaninang alas diyes y medya ng umaga , Linggo, Enero 31, si Staff Sergeant Vicente B. Capistrano, Jr., kuwarenta’y singko anyos, tubong Lamitan City, Basilan Province, nang pagbabarilin ng anim na lalaking nakasakay sa dalawang motorsiklo sa Barangay Anoling, Patikul, Sulu.
Ayon kay Lt. Col. Eugenio Boquio, commander ng 1st Scout Ranger Battalion, nanggaling si Capistrano at ang kasamahan nitong si Corporal Quijano sa downtown Sulu at nagpasyang tahakin ang “road-less-travelled” dahil na rin sa sunod sunod na pananambang Abu Sayyaf Group (ASG) sa mga sundalo sa main highway. Sa kasamaang palad ay nakasalubong nina Capistrano ang mga suspek na pinaniniwalaang miyembro ng Ajang-Ajang group ng ASG.
Nakipagpalitan pa ng putok at nagawa pang tumakbo ang dalawa at nakasalubong ng mga tropa ng militar galing marketing sa bayan na siyang nagdala sa kanila sa ospital.
Namatay si Capistrano habang nilalapatan ng lunas sa ospital at sugatan naman si Corporal Quijano.
Ayon kay Victor Capistrano, kapatid ng biktima, dadalhin sa Butuan ang bangkay ng kanyang kuya kung saan nakatira ang asawa nito.
Naulila ni ni Capistrano ang dalawang anak na pawang maliliit pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.