Cruise ship na may lulang 3,500 na katao isinailalim sa quarantine sa Japan

Isang cruise ship na may lulang 3,500 na pasahero at crew ang isinailalim sa quarantine sa Japan.

Ito ay makaraang magpositibo sa novel coronavirus ang isang 80 anyos na pasahero na galing Hong Kong.

Pinasok ng mga quarantine officer ang Diamond Princess cruise ship sa port ng Yokohama para magsagawa ng pagsusuri sa 2,500 na mga pasahero at 1,000 crew members nito.

Ayon kay Japan top government spokesman Yoshihide Suga, mananatiling naka-quarantine ang barko sa Yokohama Bay.

Ang mga pasahero ay pinanatili sa loob ng kani-kanlang kwarto at hindi pinayagang makababa.

Lahat sila ay susuriin muna para masigurong negatibo sila sa virus.

Sa ngayon mayroong 20 katao na sa Japan na nagpositibo sa 2019-nCoV.

 

Read more...