P10,000 tulong sa mga OFW na naapektuhan ng travel ban ibibigay ng DOLE
Magbibigay ng P10,000 tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa bawat OFWs na maapektuhan ng umiiral na temporary travel ban sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagbabawal ng gobyerno na mayroong makabiyahe galing at patungong China, Macau at Hong Kong dahil sa novel coronavirus scare.
Ayon sa DOLE, ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay dapat maglaan ng P10,000 cash assistance sa mga apektadong OFW.
Dapat din matiyak na mabibigyan sila ng accommodation kung kailangan at matulungang bumiyahe pauwi.
Ang mga stranded na OFW na apektado ng travel ban ay maaring gamitin ang halfway house ng OWWA.
Ayon sa DOLE, daan-daang OFWs na dapat ay patungong Hong Kong at Macau ang na-stranded matapos ipatupad ang travel ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.