1 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa loob ng bus sa California

By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2020 - 07:57 AM

Isang lalaki ang bigla na lamang nagwala at namaril sa loob ng Greyhound bus sa Southern California.

Nagawa ng mga pasahero na madis-armahan ang suspek.

Gayunman, ang kaniyang pamamaril ay nagresulta sa pagkasawi ng isang sakay ng bus at pagkasugat ng limang iba pa.

Agad ding nadakip ang suspek ng mga tauhan ng California Highway Patrol.

Bumibiyahe ang bus sa bahagi ng Lebec sa Los ANgeles nang magsimulang mag-amok ang lalaki at namaril gamit ang kaniyang semi-automatic handgun.

Sakay ng bus ang 43 katao kabilang ang dalawang bata.

Tinukoy ng mga otoridad ang nasawi na isang 51 na babae.

Ayon sa pahayag ng mga pasahero, bigla na lamang umasta na tila nagwawala ang suspek, nagmura, nagsisigaw at saka nagpaputok ng baril.

TAGS: Breaking News in the Philippines, California, greyhound bus, Inquirer News, Los Angeles, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, California, greyhound bus, Inquirer News, Los Angeles, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.