2 patay sa pamamaril sa dormitoryo sa Texas

Dalawang babae ang nasawi habang sugatan ang isang bata matapos ang insidente ng pamamaril sa isang dormitoryo sa Texas.

Nagresulta sa kanselasyon ng klase sa Texas A&M University-Commerce ang insidente.

Mananatili ang suspensyon ng klase hanggang sa Huwebes, Feb. 5.

Ayon kay University police Chief Bryan Vaughn isang tawag ang natanggap nila na nagkaroon ng pamamaril at nang dumating sila sa lugar ay nakita ang walang buhay na katawan ng dalawang babae sa isang kwarto sa Pride Rock residence hall.

Isang batang lalaki na edad 2 taon din ang sugatan kaya agad isinugod sa ospital.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan at tinutugis pa ang suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

 

Read more...