Kinita ng PAGCOR mula sa kanilang mga palaro noong 2019 tumaas ng 11.65%
Muling nakapagtala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng mataas na performance makaraang pumalo sa P75.75 billion ang gaming revenues noong 2019 – ito ay katumbas ng 11.65% increase sa kanilang kinita noong 2018 na P67.85 billion.
Nahigitan ng naturang halaga ang target ng ahensiya nooong 2019 sa 1.80% o P1.33 billion.
Noong 2018, anf PAGCOR ay nakapagtala ng P104.12 billion na total revenues. Pero P36.27 billion sa naturang halaga ay nagmula sa ibang kita kabilang ang pagbenta sa lupain na pag-aari ng PAGCOR.
Ang P32.71 billion naman ay mula sa Entertainment City na ibinenta sa Sureste Properties Inc., subsidiary ng Bloomberry Resorts Corporation.
Samantala ang natitirang P67.85 billion ay kinita ng ahensiya noong 2018 mula gaming operations.
Kung hindi naman isasama ang non-regular revenues na P32.71 billion na nagmula sa kinita ng ibinenta na lupa ng PAGCOR noong 2018 ay nakapagtala pa rin ang PAGCOR ng 11.22% na kita noong 2019.
Kabilang sa pinakamalaking gaming revenues na PAGCOR ay ang slot machine operations, electronic bingo, table games operations, regulatory fees mula sa Philippine offshore gaming operations at mga bayarin mula sa licensed casinos.
Dahil sa paglobo ng performance ng state-gaming firm noong 2019, ay nakapag-remit sila ng mahigit P56 billion sa gobyerno sa pamamagitan ng kanilang mandated contributions at iba pang corporate social responsibility programs.
Pinakamalaki sa naturang remittance na aabot sa P35.92 billion – ay napunta sa National Treasury sa pamamagitan ng 50% government share, sinundan ng 5% franchise tax na P3.78 billion.
Ilan pa sa mga mahahalagang kontribusyon ng PAGCOR sa gobyerno o ay ang P1.79 billion remittance sa to Philippine Sports Commission (PSC), Dangerous Drugs Board (P60 million), at sa Board of Claims (P118.91 million), ahensiya na nasa ilalim ng Department of Justice na nagkakaloob ng maling hatol o pagkabilanggo at mga krimen.
Nag-remit din sila ng P123.30 million cash incentives sa national athletes and coaches na nanalo sa international sporting events sa bisa ng Republic Act 10699.
Kabuuang P445.72 million naman ang ipinagkaloob sa mga host cities kung saan nag-ooperate ang PAGCOR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.