Comelec, magsasagawa ng pagdinig kaugnay sa akreditasyon ng mga political party

comelec bldgIsasailalim na ng Commission on Elections sa pagdinig sa susunod na linggo ang mga inihaing petisyon ng political parties na magdedeklara sa kanila bilang dominant majority at dominant minority party para sa local at national elections sa May 9.

Sa Comelec Resolution 9984, itinakda ng poll body ang pagdinig sa mga petisyon na inihain ng labing anim na national at local parties sa Huwebes, February 4, alas dos ng hapon.

Gaganapin ang pagdinig sa tanggapan ng Comelec sa Palacio del Gobernador Building sa Intramuros, Manila.

Kabilang din sa isasailalim sa pagdinig ng poll body ang petisyon ng mga partido na nagnanais makasama sa sampung major political parties at dalawang major local parties.

Ang partido na maidedeklarang dominant majority at dominant minority parties ay makakatanggap ng mga kopya ng election returns at certificates of canvass at electronically transmitted precinct results.

Papayagan din na magtalaga ng official watchers sa mga voting at canvassing centers ang mga dominant party.

Read more...