Unang naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa Cagwait, Surigao Del Sur sa layong 46 kilometers Southeast ng bayan ng Cagwait, alas 4:39 umaga ng Martes (February 4).
May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Alas 6:00 naman ng umaga, naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa General Luna, Surigao Del Norte.
Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 17 kilometers southeast ng General Luna.
May lalim na 11 kilometers ang dalawang lindol at tectonic din ang origin.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks sa dalawang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES