M4.2 na lindol tumama sa Agno, Pangasinan
By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2020 - 06:08 AM
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Agno sa lalawigan ng Pangasinan.
Naitala ang pagyanig sa layong 85 kilometers Southwest ng Agno alas 5:44 ng umaga ng Martes, February 4.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 17 kilometers.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.
Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Bago ito ay tumama na ang magnitude 3.5 na lindol sa bayan din ng Agno alas 5:31 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.