P28M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang babaeng Thai National sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2020 - 06:03 AM

Arestado ang isang 27 anyos na babaeng Thailand National makaraang magtangka na magpuslit ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ang suspek na si Pakyira Janwong na dumating sa NAIA Terminal 3 galing Bangkok, Thailand.

Nakuha sa bagahe ng dayuhan ang tinatayang 4.1 Kilos ng shabu na aabot sa P28 million ang halaga.

Nakita ang kahina-hinalang laman ng bagahe ng dayuhan nang dumaan ito sa x-ray scanning.

Nang buksan ang mga bagahe ay doon natuklasan ang mga shabu na itinago sa loob ng bottom lining ng maleta.

Nai-turnover na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga shabu at mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

TAGS: Breaking News in the Philippines, customs, drug smuggling, Inquirer News, NAIA, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Breaking News in the Philippines, customs, drug smuggling, Inquirer News, NAIA, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.