Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin kaninang madaling araw sa Navotas City.
Ayon sa pulisya, naglalakad sa kahabaan ng Road 10 sa Barangay North Bay Boulevard South ang hindi pa nakikilalang biktima nang barilin ito sa ulo ng gunman kaninang ala una ng madaling araw.
Ayon naman kay Barangay Chairman Domingo Elape, nakasuot ang biktima ng blue T-shirt, camouflage na pantalon at gray na jacket.
Kasama aniya nito ang tatlong kaibigan na galing sa isang piyesta nang atakihin ng gunman.
Nahihirapan ngayon ang mga pulis na alamin ang pagkakakilanlan ng suspek dahil walang CCTV camera sa lugar ng pinangyarihan.
Nangyari ang insidente sa kabila ng pagpapatupad ng Philippine National Police ng election gun ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.