Ayon kay House Assistant Majority Leader Julienne Baronda, dapat mag-ingat sa pag-she-share ng impormasyon sa nCoV sa online na maaaring magdulot ng panic at anxiety sa mga Pilipino.
Sinabi naman ni House Committee on Public Information Chairman Ron Salo na huwag maniniwala basta sa mga balitang kumakalat lalo na kung kaduda-duda ang website na nagpost nito.
Giit nila Baronda at Salo, mag-verify muna ng detalye bago ito i-share sa publiko at tanging ang mga official statements at advisories mula sa DOH ang dapat na paniwalaan.
Samantala, pinakikilos naman ni ACTI-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo ang otoriad na agad i-take down o ipasara ang mga website at social media account na magpapakalat ng fake news.
Ito ay matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang ikalawang kaso ng nCoV sa isang 44 taong gulang na Chinese na lalaki na nasawi nitong Pebrero 1.